^

PSN Showbiz

Sue umamin din na masaya na sa piling ni Dominic

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sue umamin din na masaya na sa piling ni Dominic
Dominic Roque at Sue Ramirez

Noong Biyernes ay ginanap ang Red Carpet Premiere para sa pelikulang The Kingdom na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Piolo Pascual. Isa ito sa pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival 2024 ngayong Kapaskuhan. Kabilang din sa naturang MMFF entry si Sue Ramirez. Dumalo katatapos pa lamang na event si Dominic Roque na napababalita na bagong nagpapatibok umano sa puso ng aktres. “We are dating. Happy kami together. Kinikilala namin ang isa’t isa. Happy, here kay Sue of course. I am excited,” pagtatapat ni Dominic.

Matatandaang nakumpirma ang hiwalayan ni Sue at dating kasintahan na si Javi Benitez noong isang buwan lamang. Tumagal ng limang taon ang relasyon ng dalaga at actor-politician. Kontrobersyal din ang naging hiwalayan nina Dominic at Bea Alonzo na muntikan nang mauwi sa kasalan ang relasyon noon. Ngayon ay masaya na umano ang dalaga sa kung anong mayroon sa pagitan nila ni Dominic. “I am so happy. What’s new guys? Enjoy that information. Enjoy kami, enjoy lang din kami. I’m so happy for the support,” makahulugang pahayag ni Sue.

Miguel, pahinga muna sa loveteam

Mapapanood na ang Mga Batang Riles sa GMA simula Jan. 6. Sobrang excited na ng pangunahing bida nitong si Miguel Tanfelix lalo pa’t wala siyang katambal sa bagong serye. Nakatrabaho ng binata sa naturang proyekto sina Kokoy de Santos, Raheel Bhyria, Bruce Roeland at Antonio Vinzon. “Ibang experience ‘to eh dahil parang ito lang ‘yung show na wala akong ka-love team. In-enjoy na wala ‘ko masyadong aalalayan. Mga inaalalayan ko ngayon mga lalaki. ‘Yung mga bago naming mga kasama sa Batang Riles. Mas nae-excite ako, lagi akong gano’n eh. Excited ako sa mga bagong things na nangyayari sa buhay ko,” nakangiting pahayag ni Miguel sa GMA News.

Suportado ang aktor ng kasintahang si Ysabel Ortega para sa bagong serye ng Kapuso network. Kahit abala sa kanya-kanyang mga proyekto ay sinisikap nina Miguel at Ysabel na magkaroon pa rin ng panahon para sa isa’t isa. “Nandiyan pa rin naman kami for each other, para i-support ‘yung isa’t isa. Halos every week, nagkukwentuhan kami about sa mga kaganapan sa set, sa development ng story. And interesado siya dahil naniniwala din siya sa project na ‘to. Alam niyang maganda ‘yung Mga Batang Riles so rooting siya para sa show, para sa akin. Hanap-hanap lang ng time, ng bakasyon,” pagbabahagi ng Kapuso actor. — Reports from JCC

ACTOR

ACTRESS

DOMINIC ROQUE

SUE RAMIREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with