^

PM Sports

Crossovers umaasang mareresolba ang isyu kay Laure

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinaplantsa ng pamu­nuan ng Chery Tiggo ang isyu nito kay outside hitter Eya Laure ilang araw bago magsimula ang Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference sa Nobyembre 9.

Ito ang inihayag ni Crossovers team manager Aaron Velez matapos magsulputan ang bali-balitang lilisanin na ni Laure ang kampo ng Chery Tiggo.

Umaasa si Velez na maaayos ang lahat bago pa magsimula ang liga.

“Status lang namin ngayon kay Eya Laure it’s still under negotiation. Hopefully, we could a­ctually resolve this amicably. We look after also yung welfare ni Eya and hopefully ma-resolve nga ito ng meet halfway for both parties,” ani Velez.

Napaulat na hiniling ni Laure na ma-release ito sa team na agad namang pinagbigyan ng Crossovers.

Subalit nakasaad sa kontrata ang “non-compete clause” kung saan hindi ito maaaring lumipat sa ibang team sa loob ng isang taon.

“I can’t really say yun nga na mutual kasi sa any breakup naman, talagang meron yan mga masali­muot na pinagdadaanan. Pero hopefully ma-resolve siya nang maayos,” ani Velez.

Pahihintulutan ng PVL na makapaglaro si Laure sa ibang teams sa oras na maayos na ang isyu nito sa pamunuan ng Crossovers.

Maaari lamang lumipat si Laure sa ibang team sa oras na mabigyan ito ng clearance ng Chery Tiggo.

Kung walang clearance ng Crossovers, kailangang maghintay ni Laure ng isang taon bago makalipat sa bagong team.

Nauna nang namaalam sa Chery Tiggo ang kapatid nitong si EJ Laure at libero Buding Duremdes.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with