^

Probinsiya

Truck sumalpok sa bodega, 6 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Anim katao ang iniulat na nasugatan makaraang aksidenteng sumalpok ang isang 10 wheeler Isuzu wing van truck sa isang bodega sa loob ng Philippine Rabbit compound sa  Marcos highway sa bayan ng Tuba, Benguet nitong Lunes ng gabi.

Sa ulat ng Benguet Provincial Police Office (PPO), nawalan umano ng preno ang nasabing Isuzu wing van truck kaya nawalan ng kontrol sa manibela ang driver nito.

Tuluy-tuloy namang sinalpok ng nasabing truck  ang bodega  sa loob ng Philippine Rabbit compound o garahe sa nasabing lugar. 

Agad namang nagresponde ang mga elemento ng Tuba Municipal Police Station (MPS), Tuba Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Bureau of Fire Protection (BFP) at 911 Baguio emergency rescue teams sa pinangyarihan ng insidente.

Mabilis na isinugod sa pagamutan ang lahat ng mga nasugatang biktima para malapatan ng lunas kabilang ang 45-anyos na driver ng truck na taga Sto. Tomas, Batangas at ang pahinante nito.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with