Ellen, kasama si John Lloyd sa China?!

Kasama nga ba ni Ellen Adarna sa China si John Lloyd Cruz?
Yup, hindi lang diumano non-showbiz friends ang kasama ni Ellen sa nasabing trip kundi kasama rin ang actor.
Pero walang post si Ellen na kasama ang actor, pulos friends lang niya ang nakikita.
Tho reliable ang nagkuwento na andun nga raw si John Lloyd.
Delulu (delusional) na si Ellen sa Chinese actor na si Jing Boran na bida sa phenomenal Chinese series na The Early Spring.
At may video pa siyang gumagawa ng osmanthus milk na favorite gawin ng character ni Jing Boran as Luan Nian kay Sun Qian as Shang Zhitao.
Pati sa nail polish, inspired na sa osmanthus milk ang design.
Ayon sa mga dialogue sa nasabing palabas, ang osmanthus milk ay isang nakagiginhawa at bahagyang matamis na inuming may lasang bulaklak, na sumikat nga nang husto dahil sa Chinese drama na nabanggit.
Kaya ang duda nila, possible na nag-reconcile na sina Ellen at John Lloyd na nauna nang nakitang inaayos ang boots ni Ellen at nakikipaglaro sa anak nina Ellen at Derek Ramsay na si Lili.
Anyway, nag-ala Lolit Solis nga si Ellen sa China kung saan todo pa-picture siya sa mga standee ng kanyang mga Korean actor na idol.
Naalala ko lang si Nay Lolit na ginawa namin ‘yun noon sa South Korea kung saan nabaliw noon ang namayapang kolumnista / talk show host sa Korean actor na si So Jong-ki.
- Latest





















