Solgen: Pondong nagamit, ’di na maibabalik
MANILA, Philippines — “Wala nang ibabalik sa nagastos na unprogrammed funds na idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional.”
Ito ang nilinaw ni Office of the Solicitor General (OSG) Darlene Berberabe sa press briefing sa Malacañangnang matanggap na nila ang kopya ng desisyon ng Korte Suprema kung saan unconstitutional ang unprogrammed appropriations ng 2024,2025, at 2026 national budget.
Subalit, hindi aniya ito nangangahulugan na labag sa konstitusyon ang mismong national budget sa nasabing mga taon.
Nilinaw pa ni Berberabe na ang unprogrammed appropriations na nagastos na sa ilalim ng nakaraang budget ay hindi na maibabalik base sa doktrina ng operative fact.
Paliwanag pa ng Solgen na sa ilalim ng doktrina, na ang actions at expenditures na ginawa in good faith bago ang batas o probisyon na idineklarang unconstitutional ay mananatiling legal na kikilalanin.
Sumang-ayon ang OSG na mahalaga ang limitasyon at quadrails na itinakda ng korte para sa paggamit ng kapangyarihan sa budget at hihiling ang paglilinaw para masiguro na ang mga limitasyon at pamantarang itinakda sa desisyon ay naayon sa paghahati ng mga kapangyarihang ito sa ilalim ng konstitusyon.
- Latest















