^

Pang Movies

Female celeb, nagde-demand ng lambing

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Feelingera pala ang isang celebrity na ito na biglang sikat nang mapasok sa movies!

Bukod sa demands sa bawat project na gawin, gusto rin niyang ang kapareha niyang lalaki eh lambing-lambingin siya para ipakita sa publiko na sweet sila.

Eh nang hindi nilam­bing ng aktor na kasama sa project, halata ang simangot at ayaw magpa-picture kasama ang aktor!

Dedma naman si aktor sa kanya dahil hanggang sa project lang ang lam­bingan nila, huh!

Wilbert, may major bakasyon

Nine days na bakasyon ang inilaan ng actor-singer-songwriter na si Wilbert Ross para sa sarili after ng homecoming concert niya sa Davao City sa Oct. 25.

Sa Sydney, Australia ang punta niya dahil meron siyang kapatid dooon. Pasyal pero sa free time niya eh gagawa pa rin siya ng mga kanta. “Harvest time kasi ngayon. Ngayon lang dumating sa akin ang sunud-sunod na trabaho. Strike while the iron is hot kaya ayoko naman tanggihan ang mga ‘yon hangga’t kaya ng schedules ko,” pahayag ni Wilbert sa mediacon ng next tour ng kanyang WRten by Wilbert Ross bilang bahagi ng 10th year niya sa showbiz.

Sisimulan ang Calabarzon tour ni Wilbert sa Sta. Rosa City, Santa Rosa Sports Complex. Santa Rosa, Laguna.

Napatunayan na ni Wilbert ang lakas niya bilang concert artist at box-office actor sa Pee Mak na mahigit P40 million ang kinita sa loob ng isang linggong showing.

Grateful and blessed si Wilbert sa nangyayari sa career niya ngayon kaya lubos ang pasasalamat niya sa Diyos at sa taong nagtitiwala sa kanya.

Bagong bahay ni Kuya, may bashers agad

Totoo ba na sa ELJ building lang ang bagong Bahay ni Kuya? Kaya pala mukhang maliit, huh!

Labas pa lang ang ipinasilip pero may mga batikos na itong natanggap, huh! Dahil kaya hindi celebrities ang ipakikitang housemates sa pagsisimula nito?

Naku, kung harapan pa lang ang ipinakita, what more kaya kapag ang loob na ng bahay ang ipinakita?

Remember, may netizens na bashing lang ang kayang gawin!

WILBERT ROSS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with