^

PSN Palaro

UP ‘di bibitaw sa liderato vs NU

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon
UP ‘di bibitaw sa liderato vs NU
Goldwin Monteverde.
UAAP Media Bureau

MANILA, Philippines —  Sisikapin ng University of the Philippines na pa­lakasin ang pagkapit sa tuktok ng team standings sa pagharap nila sa National University sa UAAP Season 89 men’s basketball tournament na lalaruin sa SM Mall of Asia Arena  ngayong araw.

Tangan ang malinis na dalawang panalo, pakay ng Fighting Maroons na pahabain ang kanilang winning streak sa tatlo kontra sa Bulldogs sa alas-6 ng gabi.

Sa kabila ng pagkawala ng ilang mahahalagang manlalaro mula sa kanilang championship runs noong Season 84 at 87, nananatiling matatag ang UP sa simula ng season matapos talunin ang UST, 92-85, at Ateneo, 94-75.

Malaking bagay ang isang linggong pahinga para maka-reserba ng lakas ang Fighting Maroons na ginagabayan ni head coach Goldwin Monteverde kaya paniguradong nakahanda sila sa ilalabas na bangis ng Bulldogs.

“Every game as we go along sa season, whatever we could improve on, ‘yong mga, whatever lapses or mapa-improve or mapaganda ang team, doon kami matututo and we keep moving forward doon sa next game namin,” ani Mon­teverde. “Hindi kami titigil sa pagtrabaho namin.”

Para sa NU bahagyang nag-relax ang koponan nang makalamang sila ng malaki sa UE, subalit nanalo pa rin kaya nilista nila ang 1-1 karta.

“Noong third quarter [against UE], medyo nakuntento kasi we’re lea­ding big. So ‘yong mindset na gano’n ang kailangan na­ming ma-correct. Kasi coming on next Saturday, malakas yong kalaban namin,” ani NU mentor Jeff Napa.

Magtatapat naman sa alas-12 ng tanghali ang A­teneo de Manila University at Adamson  habang maghaharap ang UE at FEU sa alas-2:30 ng hapon.

ATENEO

UAAP

UP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with