^

Metro

Backrider pisat ang bungo sa trak

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon
Backrider pisat ang bungo sa trak
Sugatan ang driver ng motor na kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan na kinilalang sa alyas “Izee,” 32-anyos, inventory assistant, mister nang namatay na biktima residente ng Tanza Cavite.
File photo

MANILA, Philippines — Patay ang isang misis na front desk specialist matapos magulungan ng isang trak na kasunod ng mga ito makaraang sumemplang ang sinasakyang motor habang bumabaybay sa kahabaan ng Centenial Road Brgy. Pag-asa 3 Imus City, Cavite.

Sugatan ang driver ng motor na kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan na kinilalang sa alyas “Izee,” 32-anyos, inventory assistant, mister nang namatay na biktima residente ng Tanza Cavite.

Dead-on-the-spot ang misis nito na naka-backride, kinilala sa alyas “Mika,” 31-anyos, Front desk specialist, residente rin ng Tanza Cavite. 

Base sa ulat ng pulisya, alas-5 ng madaling araw nang maganap ang insidente, lulan ang mag-asawa ng Yamaha Aerox at bumabaybay sa lugar nang sumemplang ang mga ito.

Pagkasemplang sumadsad ang mag-asawa at napagitna sa kalsada ang biktima dahilan upang magulu­ngan ito ng paparating na trailer truck na minamaneho ni alyas “Ariel,” 42-anyos. 

Napuruhan sa ulo ang biktima na dead-on-the-spot sa insidente habang inoobserbahan sa pagamutan ang mister nito. 

Hawak ng pulisya ang driver ng trailer truck at nahaharap sa mga kasong Reckless Imprudence resulting in Homicide, Physical Injury, and damage to property.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with