^

Pang Movies

Halikan sa stage nina Ruru at Bianca pinag-usapan, SB19 niyanig ang Body of Work

Dianne Canlas - Pang-masa
Halikan sa stage nina Ruru at Bianca pinag-usapan, SB19 niyanig ang Body of Work
Ruru Madrid at Bianca Umali.
STAR/ File

Trending hanggang kahapon ang The Bench Body of Work fashion show.

Kung saan may kanya-kanyang gimik ang mga nagseseksihang celebrity na rumampa sa event na talagang pinag-usapan.

Isa rito ang hindi raw pagpapansinan ng magkatambal sa pelikulang Hello, Love, Again na sina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Makikita sa mga video na hindi sila nagbatian habang nasa stage at ang pagsulyap lamang ni Alden sa aktres.

Pero kumalat naman ang mga litrato kung saan nagkita ang KathDen sa backstage at may kuhang nakahawak pa ang actor sa bewang ni Kathryn na nagpasaya sa mga tagahanga nila.

Agaw-eksena naman ang naging moment nina Kathryn at David Licauco nang magkatabi sila sa stage at nagtawanan habang nag-uusap.

Marami ang kinilig sa dalawa kaya nagkaroon din sila ng mga shipper at wish nila ay magsama ang mga ito sa proyekto.

Pinag-usapan din ang halikan ng magkarelasyong Ruru Madrid at Bianca Umali bago um-exit sa stage habang rumarampa sila, at si Jake Cuenca na nag-motor habang naka-underwear.

Hindi rin nagpahuli ang mga hot momma na gaya nina Ina Raymundo, Sunshine Cruz at Miss Earth 2004 Priscilla Meirelles na walang mga kupas ang ganda at alindog.

Ilan din sa mga nagpainit sa Bench Fashion Show ay sina Miss Universe 2023 Michelle Dee, Joshua Garcia, Lovi Poe, Janine Gutierrez, Max Collins, Kelvin Miranda, kambal na sina Atasha at Andres Muhlach, FranSeth nina Francine Diaz at Seth Fedelin at marami pang iba.

Habang rumampa rin ang sports personalities na sina Hidilyn Diaz at Eya Laure.

Naging highlight din ang pagrampa ng SB19 kung saan nag-perform din sila sa nasabing event at kinanta ang latest single nilang DAM.

BENCH BODY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->