Convenience store pa sa Cavite, hinoldap
CAVITE, Philippines — Isa na namang convenience store na 7-eleven ang pinasok at hinoldap ng riding-in-tandem kahapon ng madaling araw sa Brgy.Bucandala, Imus City.
Natangay ng dalawang armadong lalaki ang di pa mabilang na halaga ng pera ng convenience store .
Sa imbestigasyon ng pulisya, ala-1:20 ng madaling araw nang pasukin ng dalawang armadong suspek ang 7-eleven sa nasabing lugar.
Nagpanggap umanong customer ang mga suspek at pagpasok nila sa nasabing store ay agad na nagdeklara ng holdap at tinutukan ng baril ang dalawang staff na sina Rod Dominic, 25-anyos, at John.
Sakay umano ang mga suspek na kapwa naka-helmet ng isang Honda Click V3 motorcycle na may puting mugs. Dahil sa sunud-sunod na holdapan sa Cavite, nababahala na ang mga negosyante partikular na sa mga nagmamay-ari ng convenience store na laging pinupuntirya ng mga armadong kawatan.
- Latest