^

PSN Palaro

Quiambao sinandalan ng DLSU

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Quiambao sinandalan ng DLSU
Kevin Quiambao (28) makes the game-winning 3-pointer
UAAP Media Bureau

MANILA, Philippines — Tunay na masasandalan si reigning MVP Kevin Quiambao ng De La Salle University sa laban nito sa UAAP Season 87 men’s basketball tournament.

Pinatunayan na naman ni Quiambao ang bagsik nito matapos dalhin ang La Salle sa dikdikang 78-75 panalo laban sa National University upang matamis na makuha ang kanilang unang panalo.

Alam ni Quiambao ang role nito sa Green Archers.

Kaya naman siniguro nitong hindi babagsak ang kanilang tropa.

Nakalugmok sa 64-71 ang La Salle sa huling limang minuto ng laban.

Agad na rumesponde si Quiambao nang magpa­kawala ito ng matatalim na atake kabilang ang umaatikabong tres sa huling 10 segundo ng laban para ma­kuha ng Green Archers ang panalo.

“Pinoint out ko lang sa sarili ko na kailangan kong mag-takeover mode, so ang ginawa ko lang ay na­ging glue guy lang ako ng team then good thing naman pu­masok ‘yung tira ko,” ani Quiambao na umiskor ng 22 points, 8 rebounds at 7 assists.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with