^

Probinsiya

4 patay sa road mishap sa Quezon!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
4 patay sa road mishap sa Quezon!
Sa report ng Police Regional Office (PRO) IVA, dalawang motorcycle riders ang  nasawi makaraang aksidenteng sumalpok ang sinasakyan ng mga itong motorsiklo sa isang poste sa tabi ng highway ng Brgy. Mayao Crossing, Lucena City dakong alas-12:20 ng madaling araw nitong Martes.
STAR / File

MANILA, Philippines — Apat katao ang patay kabilang ang isang 86-anyos na matandang babae at tatlong motorcycle riders sa magkakahiwalay na aksidente sa lansangan sa lalawigan ng Quezon, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ng Police Regional Office (PRO) IVA, dalawang motorcycle riders ang  nasawi makaraang aksidenteng sumalpok ang sinasakyan ng mga itong motorsiklo sa isang poste sa tabi ng highway ng Brgy. Mayao Crossing, Lucena City dakong alas-12:20 ng madaling araw nitong Martes.

Ang dalawang biktima ay naisugod pa sa Quezon Medical Center pero kapwa idineklarang dead-on-arrival dahil sa matinding mga sugat na tinamo sa katawan.

Bago ito, noong Lunes ay nasagasaan naman ng isang humahagibis na minivan ang isang 86-anyos na matandang babae habang tumatawid sa pedestrian lane sa provincial road ng Brgy. Cawayanin, Pitogo.

Ang biktima ay nagtamo ng matinding sugat sa katawan na siyang agarang kumitil sa buhay nito, Isinailalim naman sa kustodya ng pulisya ang 58-anyos na driver ng minivan.

Samantala, isa pang motorcycle rider ang nasawi matapos nitong tangkaing mag-overtake sa isang bus sa kahabaan ng national roda sa Brgy. 10, Catanauan bandang ala-1:20 noong Lunes.

Ang biktima na isang guro ay tumilapon at nasagasaan pa ng bus sa nasabing insidente. Nagawa pa siyang maisugod sa pagamutan pero idineklara nang dead-on-arrival.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with