Elias, umaarte na rin
Pinabulaanan ng Cebuana actress na si Ellen Adarna na nagkabalikan sila ng kanyang dating partner, ang actor at ama ng kanyang eight-year-old son na si Elias, si John Lloyd Cruz.
Ayon sa ex-wife ng actor, athlete at businessman na si Derek Ramsay, wala umanong balikan na nangyari at mangyayari sa kanila ni John Lloyd. Tama na umano sa kanya ngayon ang kanilang pagiging magkaibigan at pagiging co-parent kay Elias.
Nasa poder ni Ellen ang dalawa niyang anak na sina Elias at Lili (2). Ang huli ay anak niya sa kanyang ex-husband na si Derek pero malayang nahihiram ng kanilang mga ama ang mga bata except na hindi pa on speaking terms hanggang ngayon ang dating mag-asawa.
Masaya si Ellen sa mag-amang John Lloyd at Elias dahil magkasama ang dalawa sa isang TVC (TV commercial) ng Biogesic kung saan isa sa mga pioneer brand ambassador ang actor.
Natutuwa rin ang aktres sa pagiging super close ng mag-ama kapag magkasama at nakikita rin niya kung gaano kamahal ni JLC ang kanyang anak.
- Latest




















