2 basurero nasalpok ng van, patay!

MANILA, Philippines — Dalawang basurero ang nasawi makaraang aksidenteng masalpok ng isang humahagibis na van habang nangongolekta ng basura sa Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela, ayon sa ulat kahapon.
Ang dalawang biktima; pawang aktibong taga kolektor ng basura ng pamahalaang lungsod ng Cauayan ay kapwa idineklrang dead-on-arrival sa Cauayan District Hospital.
Sa report ng Cauayan City Police, nangyari ang insidente noong Huwebes ng gabi habang ang dalawang biktima ay nasa likod ng truck at nagkakarga ng kinolekta ng mga itong basura nang magyari ag insidente sa kahabaan ng national highway, sa Brgy. San Fermin ng lungsod.
Ayon sa pulisya, abala ang mga biktima sa pagsasaayos ng basura nang bigla na humarurot ang van at binangga nito ang likuran ng truck ng basura kung saan nasapol ang dalawang biktima.
Nagawa pa ang mga itong maisugod sa pagamutan pero kapwa idineklara ng ang mga itong dead-on-arrival sanhi ng matitinding sugat na tinamo sa katawan.
Nagtamo ng sugat ang driver ng van nasa sa maayos ng kondisyon sa insidente.
Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide at damage to property ang driver ng van.
- Latest
















