^

Bansa

VP Sara: Gobyerno desperado na pabagsakin ako

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
VP Sara: Gobyerno desperado na pabagsakin ako
Vice President Sara Duterte visits quake victims in Davao Occidental, as seen in photos posted June 26, 2026.
Duterte office

MANILA, Philippines — Iginiit ni Vice Pres. Sara Duterte na tila desperado na ang pamahalaan na siya ay pabagsakin matapos umanong mabigong patunayan ng House prosecution panel ang anumang impeachable offense laban sa kanya.

“When the House of Representatives prosecution team failed to establish a convincing case of an impeachable offense, all it could offer were wacky poses that were neither entertaining nor amusing,” ayon kay VP Sara.

Ayon kay Duterte, mula sa impeachment ay sinusubukan na ngayong ilihis ng gobyerno ang usapin at gawing isyu ng pambansang seguridad sa pamamagitan ng pag-uugnay sa kanya sa iba’t ibang alegasyon, kabilang ang umano’y Chinese funding at drug bust sa Laos.

Kinuwestiyon din niya ang ebidensiya ng mga akusasyon at sinabing wala pang kapani-paniwalang patunay na naihaharap laban sa kanya.

Dagdag pa niya, ang ipinakikitang umano’y travel authority para sa Laos ay tila gawa-gawa lamang upang suportahan ang isang naratibong walang matibay na ebidensiya.

Binigyang-diin ni Duterte na dapat nang tumutok ang pamahalaan sa trabaho at itigil ang pamumulitika dahil nahaharap na sa kahirapan, gutom at galit ang mamamayan.

Itinanggi naman ng Office of the Executive Secretary na naglabas sila ng Travel Authority para sa biyahe ni VP Sara patungong Laos.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with