^

Police Metro

Labandera, ‘di nagpautang ni-rape/slay ng 2 adik

Joy Cantos - Pang-masa

Bangkay isinilid sa sako, itinapon sa sapa

MANILA, Philippines — Isang 33-anyos na ginang na nagtatrabaho bilang labandera ang ginahasa at pinatay bago isinilid sa sako ng dalawang drug addict at itinapon sa sapa ng Hacienda Santa Catalina, Brgy. Dos Hermanas, Talisay City, Negros Occidental, kamakailan.

Ang biktima ay isang 33-anyos na nagtatrabahong labandera sa farm na pinagtatrabahuhan din ng dalawang drug addict na trabahador ay iniulat ng live-in partner nito na nawawala noon pang Oktubre 8 matapos na magtungo sa sapa para maglaba.

Sa report ng Talisay City Police, nadiskubre ang krimen noong Martes ng gabi matapos itong ireport ng dalawang trabahador sa farm na may masangsang na amoy mula sa sapa.

Nagresponde ang mga otoridad at nadiskubre ang sako na pinagsidlan sa bangkay ng biktima sa batuhan sa nasabing sapa.

Naghinala ang pulisya kung paanong nakita ng dalawang trabahador na may isang kilo­metro ang layo ng sapa sa farm na pinagtatrabahuhan ng mga ito.

Kaya’t ang dalawa ay naging ‘persons of interest’ at nang  imbestigahan ng pulisya ay napilitang umamin na sila ang nasa likod ng krimen.

Lumilitaw sa imbestigasyon, na hindi pi­nautang ng biktima ang dalawang suspect na siyang naging motibo para gahasain at patayin.

Umamin ang mga ito sa mga pulis na sila ay nasa impluwensya ng droga nang isagawa ang krimen.

Nahaharap ang da­lawa ng kasong murder at rape.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with