Dimples, inumpisahan na ang dream house

Naging emosyonal si Dimples Romana nang ibahagi ang pagsisimula ng konstruksyon ng dream home nila ng asawang si Boyet Ahmee.
Sa isang social media post, ibinahagi ni Dimples ang saya at pasasalamat habang unti-unting nabubuo ang kanilang “mountain home,” simula sa pundasyon nito.
“What do your dreams sound like? For us it’s the sound of birds singing and praising all day, the wind coming from all directions of our home on the way, the trucks coming in and out, the first cement pour to seal the very foundation of our mountain home,” ani Dimples.
Nagpasalamat din ang mag-asawa sa team na tumutulong sa kanila para matupad ang pangarap na bahay.
Emosyonal ang naging sandali para sa mag-asawa nang makita ang unang hakbang ng pagtatayo ng bahay, lalo na matapos ang ilang taong pagsisikap para dito.
Binalikan din ni Dimples ang mga panahong pinapalakas niya ang loob sa kabila ng pagod sa trabaho. “Dati pag nagmamaneho ako pauwi galing taping, nagdadasal ako speaking to God like I speak to a friend, ang sabi ko , ‘Lord grabe na ang pagod ko po, pero I don’t have to tell you that because you know me, and my heart and what’s in it. But I will keep going kasi sigurado akong may pupuntahan ang lahat ng pagod, sakripisyo at sipag na ito’.”
Inalala rin ni Dimples ang kanyang career at personal journey, at kung paano niya ipinagmamalaki ang sipag nilang mag-asawa.
“So in my career, I have never been the prettiest, nor the sexiest or the best but I can proudly say my hubby and I would be two of the most hardworking people you’ll ever meet in life.”
“For we don’t ever work for fame, not ever for power, but for dreams that were once only dreams if not for the many days we have humbly kept our heads down and let God, Mama Mary and our angels do all the work. One day I wish to tell you stories of our living guardian angels for now we keep still,” dagdag niya.
Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, nag-iwan si Dimples ng paalala sa kapwa breadwinners na huwag sumuko sa pangarap. “Pwedeng mapagod, pero bawal ang sumuko Padayon! Til our next update.”
Unang ibinahagi ni Dimples ang plano nilang magpatayo ng dream home noong Hulyo matapos ang ilang buwang pagdedesisyon at pagdarasal.
- Latest
























