^

PSN Showbiz

Maine, babalik na sa pelikula!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Maine, babalik na sa pelikula!
Maine Mendoza

Balik-pelikula si Maine Mendoza sa entry nina Bossing Vic Sotto and Vice Ganda sa Metro Manila FIlm Festival for this year, ang The Greatest Showdown.

Matagal-tagal nang low key si Maine sa social media.

At sa Eat Bulaga lang siya napapanood.

Ito ay matapos siyang intrigahing hiwalay na sa mister na actor / politician, si Cong. Arjo Atayde.

Ang huling post ni Maine sa Instagram ay last March 14 pa, habang nasa Vietnam at noong kanyang birthday last March din.

Pero sa Facebook page niya ay maraming posting ng mga ganap sa Eat Bulaga.

Anyway, ang update ng source, walang-walang problema ang marriage nina Arjo at Maine.

Sa ngayon daw ay naghahanda si Maine sa kanyang special participation sa unang pagsasama sa pelikula ng dalawang higanteng host / komedyante na isa sa naunang apat na official entries sa MMFF 2026 na bubuo sa eight official entries. Ang apat na natitirang entries ay pipiliin base sa finished film na.

Naalala ko lang, ano kayang nangyari sa collaboration ni Maine sa MAC Cosmetics para sa kanyang lipstick shade?

MAINE MENDOZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with