^

Police Metro

Grade 10 student, nahulihan ng baril sa bag

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang Grade 10 student ang inaresto nang mahulihan ng baril sa loob ng isang eskuwelahan sa high school sa bayan ng Barotac Nuevo, Iloilo nitong Martes.

Ayon sa ulat ng Iloilo Provincial Police Office (IPPO) ang nasabing estudyante na isang 15-anyos na lalaki ay nakumpiskahan ng isang cal.38 revolver na may anim na bala.

Nabatid na isang estudyante ang nagsumbong sa kanilang guro na may dalang baril sa bag ang nasabing Grade 10  na kaniyang kaklase.

Agad ipinatawag sa guidance counselor ang nasabing estudyante sa pakikipagkoordinasyon sa Barotac Nuevo Municipal Police Station (MPS) na mabilis namang nagpadala ng mga personnel sa nasabing eskuwelahan.

Nang inspeksiyunin ang bag ng estudyante ay dito na bumulaga sa mga guro at mga pulis ang baril na dala.

Iniimbestigahan ang estudyante kung saan nito nakuha ang baril, sino ang may-ari at bakit may dala itong baril sa eskuwelahan.

Ikinatwiranng estud­yante na pang-self defense umano niya ito sa mga mambu-bully sa kanilang paaralan.

Ang nasabing estud­yante ay itinurnover sa kustodya ng Municipal Social Welfare and Development (DSWD) dahilan isa itong menor de edad.

GUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with