Globe at Disney, dinala sa Star Wars Universe ang mga estudyante sa Cabanatuan

Ginawa ng Globe na isang makabuluhang pagkakataon para sa mga estudyante sa Cabanatuan ang kasabikan sa Star Wars universe sa pamamagitan ng pagdadala ng mga senior high school at kolehiyong mag-aaral sa isang exclusive screening ng Star Wars: The Mandalorian & Grogu. Bahagi ito ng mas malawak na pakikipagtulungan ng Globe sa Disney upang magbigay-inspirasyon ng tapang, koneksyon at pagkakaisa sa mga kabataang Pilipino.
Idinaos sa SM Cabanatuan, nagbigay ang kaganapan ng pagkakataon sa mga estudyante na lubusang maranasan ang world’s most iconic stories habang nakikipag-ugnayan sa kapwa kabataang lider, mga guro at mga empleyado ng Globe.
Higit pa sa cinematic experience, itinampok ng pagtitipon ang mga pagpapahalagang nasa puso ng pelikula at ng mga inisyatiba ng Globe para sa kabataan: katatagan, layunin, at ang kapangyarihan ng pagbuo ng mga komunidad na tumutulong sa pag-unlad ng mga tao.
Ipinakilala rin sa mga dumalo ang Globe Student Program, na nagbibigay ng access sa mga internship, scholarship, volunteer opportunities, AI hackathons, content creation initiatives, at iba pang mga oportunidad na tumutulong sa mga estudyante na mapalago ang kanilang mga talento at makalikha ng positibong epekto sa kanilang mga paaralan at komunidad.
Ang Cabanatuan ay isa sa ilang mga lungsod na naging bahagi ng serye ng mga aktibidad para sa mga estudyante na inilunsad ng Globe at Disney sa mga pangunahing lungsod kabilang ang Quezon City, Cagayan de Oro at Davao City.
Sa pamamagitan ng mga programang ito, mas napalapit ang libu-libong kabataang Pilipino sa mga kuwentong nagtataguyod ng tapang, layunin, at pakiramdam ng pagiging kabilang sa isang komunidad.
Patuloy ring binibigyang-kapangyarihan ng Globe ang susunod na henerasyon sa pamamagitan ng mga oportunidad na higit pa sa konektibidad, na nagbibigay sa mga estudyante ng suporta, mga plataporma, at inspirasyong kailangan nila upang maabot ang kanilang mga pangarap, mapalakas ang kanilang mga komunidad, at maging mga tagapaghatid ng positibong pagbabago sa kanilang sariling paraan.
- Latest





















