^

Police Metro

‘LegisHear’, dinala ng Kamara sa Negros Occidental

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Negros­ Occidental 3rd District Representative at Assistant Majority Leader Javier Miguel “Javi” L. Benitez ang programang LegisHear: Bawat Batas­ Mahalaga na ginanap sa Victorias City Coliseum nitong Oktubre 2 at 3, 2026 ang itinuturing na may pinakamalaking dele­gas­yon ng mga mambabatas sa kasaysayan ng naturang programa.

Kasama niyang dumalo ang humigit-kumulang 28 na mambabatas sa pa­ngunguna ni House Spea­ker Faustino “Bojie” G. Dy III at Senior Deputy Speaker Ferdinand “Dinand” L. Hernandez.

Iprinisinta ni Benitez ang inakda niyang House Bill No. 9088 o ang TUBO (Tunay na Ugnayan­, Buhay, at Oportunidad sa Asukal) Act sa harap ng 5,000 residente mula sa limang lokal na pamahalaan sa Third District na dumalo sa Town Hall Meeting sa Victorias City Coliseum noong Oktubre 2.

Layunin nitong pala­kasin ang industriya ng asukal at protektahan ang mga lokal na magsasaka laban sa epekto ng labis na pag-aangkat.

Tinalakay din ang House Bill No. 10678 na naglalayong itaas sa P350,000 ang ceiling para sa taunang exemption sa buwis ng mga indibidwal na nagbabayad ng tax.

Itataas nito ang income tax exemption ceiling mula P250,000 hanggang P350,000 kada taon simula 2027.

Inilahad ng mga residente sa mga miyembro ng Kamara ang kanilang mga pangamba tungkol sa asukal, trabaho, kalusugan, at edukasyon

Ayon kay Rep.Benitez, dinala ang LegisHear sa Negros upang hindi na kailanganin ng mga ordi­naryong mamamayan, lalo na ng mga magsasaka at manggagawa, na bumi­yahe pa-Maynila para lamang mapakinggan ang kanilang mga hinaing sa Kongreso.

Bukod sa Town Hall meeting, nagkaroon din ng dalawang araw na government services caravan upang ilapit ang iba’t ibang serbisyo ng gobyerno sa mga residente.

Ang LegisHear ay isang nationwide legislative con­sultation at oversight initiative ni Dy.

JAVIER MIGUEL BENITEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with