^

Police Metro

Mag-asawang senior citizen, nasawi sa sunog

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang mag-asawang senior citizen nang sila ay ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa Barangay Greater Fairview, Quezon City, nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ang mag-asawang nasawi na sina Romeo, 91 at Celina Magat, 92, kapwa retired employees sa East Heights Fairview,Brgy.Greater Fairview ng nabanggit na  lungsod.

Sa salaysay ng kasambahay ng mag-asawa sa pulisya na iniwan niya ang dalawa pasado ala-5:00 ng hapon para magsimba.

Pagbalik niya ng alas-7:17 ng gabi ay nadatnan na lamang niyang nilalamon ng apoy ang bahay kaya agad siyang humingi ng saklolo.

Rumesponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at idineklarang fire out ang sunog alas-8:37 ng gabi at sa clearing operation ay natagpuan ang wala nang buhay na mag-asawa na nagtamo ng matitinding paso.

Sa paunang imbestigasyon ng BFP, hinihina­lang nagsimula ang apoy sa likurang bahagi ng bahay, subalit patuloy pang inaalam ang eksaktong dahilan at pinagmulan ng sunog.

Boluntaryong lumagda ng waiver ang anak ng mag-asawa na nagsasaad na hindi na sila magsasagawa pa ng hiwalay na imbestigasyon kaugnay ng insidente.

FIRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with