Mahigit 20K pulis ipakakalat sa SONA ni Pangulong Marcos

MANILA, Philippines — Inatasan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang lahat ng yunit ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na tiyaking maayos at handa ang kanilang deployment plans bago ang taunang pagtitipon.
Nasa 20,229 pulis ang ipakakalat sa paligid ng Batasang Pambansa sa Quezon City bilang bahagi ng seguridad para sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Hulyo 27.
Ayon kay Nartatez, nakahanda ang PNP na tiyakin ang seguridad ng SONA habang iginagalang ang karapatan ng mga indibidwal at grupo na magsagawa ng mapayapang protesta alinsunod sa batas.
Inaasahang dadagsa sa Batasang Pambansa ang mga opisyal ng pamahalaan, panauhin at iba’t ibang cause-oriented groups na tradisyunal na nagsasagawa ng kilos-protesta tuwing SONA.
Inaasahang iuulat ng Pangulo ang kalagayan ng bansa, mga nagawa ng administrasyon at mga prayoridad na panukalang nais nitong maipasa sa Kongreso.
- Latest















