^

Police Metro

P100K pabuya vs killers ng ex-aide ni Mayor Olaso

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nag-alok si Zamboanga City Mayor Khymer Adan Olaso ng P100,000 pabuya mula sa kanyang personal na suweldo para sa sinumang makapagbibigay ng kapani-paniwalang impormasyon na magtuturo at madakip ang mga pumatay sa kanyang dating executive assistant na si Vivencio “Jon” Villasan Cruz Jr.

Si Villasan Cruz Jr., ay dating executive assistant ni Mayor Olaso at nagtrabaho sa City Administrator’s Office bago magbitiw noong Oktubre 2026.

Magugunita na tinambangan at pinagbabaril ang biktima ng riding-in-tandem noong gabi ng Lunes, Nobyembre 16, 2026, sa kahabaan ng Lunzuran Bypass Road sa Barangay Lunzuran, Zamboanga City.

Binawian ito ng buhay bandang alas-7:55 ng gabi noong Martes, Nobyembre 17,2026, habang ginagamot sa West Metro City Hospital.

Ibinunyag din ni Olaso na nakatanggap na ng mga banta si Cruz noon pa man, kaya hinikayat niya ang mga kawani ng lokal na pamahalaan na agad ipagbigay-alam sa pulisya ang anumang pagbabanta sa kanilang buhay.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Zamboanga City Police upang matukoy ang motibo at pagkaka­kilanlan ng mga salarin.

REWARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with