AiAi, may rebelasyon din tungkol kay Alden!

Isa si AiAi delas Alas sa celebrities na dumepensa kay Alden Richards sa bagong issue na kinakaharap ngayon ng aktor na nagsimula sa pasabog ng social media personality na si Xian Gaza.
Sa bagong Instagram post ni Comedy Queen, ikinuwento niya kung gaano kabuting tao si Alden at kung gaano ka-matulungin sa mga kasamahan sa industriya.
“Matagal na kami close neto ni david ( marami ako tawag dyan kung ano anong name hahaha) .. napaka neto sa maraming bagay napaka harot generous mabait sensitive sa mga pangangailngan ng mga kasama nya sa industriya lalo na sa mga kaibigan nya.. maiinis to kasi ayaw nyang sinasabi mga naitulong nya,” proud na sey ni AiAi tungkol sa Asia’s Multimedia Star.
Personal din daw niyang naranasan ang pagka-matulungin ni Alden nang ipagawa raw nito ang kanyang restaurant noon.
“Anyways matagal na to may restaurant ako dati sa may abs tapos pumunta sya then kinausap nya ko ipa renovate naten to ms ai nyek sabi ko bago pa naman sabi nya basta ayun kinabukasan may architect and everything na,” flex ni AiAi.
Ayaw nga raw ipasabi ni Alden ang tungkol dito pero napilitan nga si Aiai na ibulgar ito ngayon para lang malaman ng lahat ang pagkatao ng aktor.
“Nakakaloka yan sobrang ma surprise pero ayaw nya yang sinasabi secret lang namin parate so ngayun hindi na,” aniya.
Mensahe niya kay Alden, “Labyu david God bless you always .. dito lang ako always lalo na pag nasira ang zipper ng jacket mo haha tyatyagain ko yan hanggang tapos na ang show maayos ko yan.”
Sa comment section ay sumagot naman ang aktor ng “Mahal na mahal kita Ms. Ai touched ako, pero mas tawang tawa ako dito haha.”
Viva, mananakot na rin!
Mula sa mga pelikulang puno ng kontrobersiya at provocative storytelling, susubukan naman ni director Darryl Yap ang horror genre sa kanyang kauna-unahang horror film na VHS o Viva Horror Stories.
Kilala ang Viva director sa paggawa ng mga pelikulang madalas magdulot ng matinding reaksiyon at diskusyon sa publiko.
Ang VHS ay isang three-part horror anthology na nagtatampok ng tatlong magkakaibang kuwentong may kani-kaniyang misteryo at nakakakilabot na pangyayari.
Kabilang dito ang kuwento ng isang cheerleader na hinahabol ng isang sinister presence sa campus, isang tila perfect romance na nagtatago ng nakagigimbal na sikreto, at isang celebrity couple na kailangang harapin ang isang mahirap na desisyon matapos maisilang ang kanilang anak.
Tampok sa pelikula sina Sarah Lahbati, Ella Cruz, Sachzna Laparan, McCoy de Leon at Kit Thompson.
Mapapanood ang VHS bilang bahagi ng taunang Halloween horror film festival ng SM Cinema na Sine Sindak, na magbabalik para sa ikapitong edisyon nito mula Oct. 28 hanggang Nov. 3.
- Latest




















