DZMM, humakot ng parangal sa Golden Dove

Nag-uwi ng pinakamaraming parangal ang DZMM Radyo Patrol 630 mula sa mga AM radio station sa bansa sa nagdaang 29th KBP Golden Dove Awards, kung saan kinilala ang mga batikang broadkaster at programa nito.
Kinilala bilang Best Public Affairs Program Host ang Balitapatan anchor na si Peter Musñgi, Best Newscaster si Alvin Elchico para sa programang Radyo Patrol Balita Alas Siyete, Best Public Service Host si Niña Corpuz para sa kanyang public service show na Nagseserbisyo Niña Corpuz, Winnie Cordero bilang Best Magazine Program Host sa kanyang magazine show na Win Today, at ang Ligtas Dapat host na si Ariel Rojas bilang Best Science & Technology Journalist.
Nagwagi rin ang public service show nitong Aksyon DOLE sa DZMM bilang Best Public Service Program, habang inuwi ng DZMM TeleRadyo documentary na Yanig: Lindol sa Pilipinas ang Best Documentary Program award.
Nangunguna rin ang DZMM Radyo Patrol 630 bilang most trusted AM radio station base sa survey ng PUBLiCUS Asia Inc. sa unang kalahati ng 2026.
Patuloy rin ang selebrasyon nito ng ika-40 taong anibersaryo sa pagbabalita at pagseserbisyo-publiko sa radyo.
- Latest

























