^

Police Metro

Lacson umaastang ‘Chief Justice, Prosecutor at Justice Secretary’ - Cayetano

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Binatikos ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano si Senator Panfilo “Ping” Lacson sa kanyang livestream nitong Martes at inakusahan ito na umaastang tulad ng “Chief Justice,” “Prosecutor,” at “Justice Secretary” na nagdi­dikta sa direksyon ng imbestigasyon sa  flood control at  infrastructure sa Taguig City.

“Si Senator (Ping) Lacson kasi ay Chief Justice Lacson, Prosecutor Lacson, DOJ (Department of Justice) Lacson, Secretary Lacson – siya na ang lahat. Siya na ang nagdidikta eh – sa LLDA (Laguna Lake Development Authority), Blue Ribbon Committee, DILG (Department of Interior and Local Government), at PRA (Philippine Reclamation Authority). Kahit sila na mismo ang magsabi, babaguhin niya,” pahayag ni Cayetano.

Ginawa ni Cayetano ang mga pahayag sa gitna ng hindi pagkakasundo sa sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon tungkol sa umano’y mga ghost project sa Taguig.

Ani Cayetano, pinagbibintangan siyang inimpluwensiyahan ang naging resulta ng imbestigasyon ni Dizon dahil sa naging working relationship nila noon.

Tinanong din niya kung bakit si Lacson ay parang may buong access sa mga ulat ng imbestigasyon habang siya mismo ay walang natanggap kahit isa mula kay Dizon.

Binanggit din ni Ca­yetano ang ambisyon ni Lacson na maging Pa­ngulo na maaaring isa sa mga dahilan ng kanilang hidwaan.

“May ambisyon talaga siya maging Presidente at galit talaga siya sa akin kasi nga, nung natanggal sila (sa posisyon), naapektuhan ang plano niya. Pero ang hindi niya alam, even before that, nag-erode na ang public trust sa kanya kasi may pinipili lang (na imbestigahan),” pahayag pa ni Cayetano.

SENATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with