^

Pang Movies

Eala pinangalanang Star of the Hard Court Swing

Chris Co - Pang-masa
Eala pinangalanang Star of the Hard Court Swing
Alex Eala
STAR/File

MANILA, Philippines — Pinanglanan si Alex Eala bilang WTA Star of the Swing para sa hard court season ng tour.

Nakakuha si Eala ng malaking boto sa mga fans mula sa iba’t ibang panig ng mundo bilang Star of the Swing.

Nakalikom si Eala ng impresibong 78 porsiyento ng kabuuang boto base sa inilabas na resulta ng botohan ng WTA.

Tinalo ni Eala sa botohan si world No. 1 Elena Rybakina ng Kazakhstan na siyang nagkampeon sa US Open at world No. 9 Iga Swiatek ng Poland.

Nakakuha lamang si Rybakina ng 16 porsiyento ng mga boto habang may tatlong porsiyento naman si Swiatek.
Maganda ang hard court season para kay Eala dahil nakamit nito ang kanyang unang WTA title sa season na ito.

Matatandaang nagkampeon si Eala sa Mubadala DC Open sa Washington, DC kung saan tinalo nito sa finals si Jessica Pegula ng Amerika.

Nakaabot din sa third round si Eala sa US Open.

Ngunit natalo si Eala sa kamay ng kaibigang si Iva Jovic sa isang three-set game.

Ito ang ikalawang WTA Star of the Swing award ni Eala.

Una na itong nagwagi ng Star of the Swing sa grass court.

Nakaabot naman si Eala sa fourth round ng Wimbledon sa London.

Tinalo ni Eala si 2025 Wimbledon champion Swia­tek sa third roun ngunit natalo ito sa fourth round kay Jasmine Paolini ng Italy.

 

 

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with