^

Police Metro

4 miyembro ng pamilya patay sa sunog

Doris Franche-Borja - Pang-masa
4 miyembro ng pamilya patay sa sunog
Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Roberto, 64; Alona, 6; Mercedes Aquino, 31; at isang 17-anyos habang sugatan naman si  Angelo Aquino, 41 pawang mga residente ng Silverplace Apartment, Road 14 ng nasabing barangay.
STAR / File

Overcharge E-bike, sumabog

MANILA, Philippines — Apat na miyembro ng isang pamilya ang nasawi matapos na sila ay makulong sa nasusunog nilang bahay nang sumabog ang tsina-charge na e-bike sa isang apartment sa ­Barangay Bahay Toro, Quezon City, nitong Martes ng hapon.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Roberto, 64; Alona, 6; Mercedes Aquino, 31; at isang 17-anyos habang sugatan naman si  Angelo Aquino, 41 pawang mga residente ng Silverplace Apartment, Road 14 ng nasabing barangay.

Batay sa ulat ng Cri­minal Investigation and Detection Unit-Quezon City Police District (CIDU-QCPD), alas-4:00 ng hapon nang maganap ang isang malakas na pagsabog mula sa bahay ng mga biktima.

Mabilis ang pagkalat ng apoy na nagsimula sa harap ng bahay at ang makapal na usok sa at hindi nakalabas ang mga biktima.

Sa pahayag ng saksing si Ian Lopez, agad siyang lumabas nang makarinig nang pagsabog hanggang sa makita niyang nasusunog na ang bahay ng mga biktima.

Nagtulung-tulong ang mga kapitbahay at  sinubukang apulahin ng fire extinguisher ang apoy, subalit patuloy ang paglagablab ng apoy.

Nagawang makalabas ng bahay si Angelo na agad na dinala sa East Avenue Medical Center (EAMC) para sa medical treatment.

Bandang alas-5:05 ng hapon nang ideklarang fireout ang sunog at natagpuan ang mga sunog na bangkay ng mga biktima sa loob ng banyo ng kanilang bahay.

Isa sa mga posibleng pinagmulan ng sunog na iniimbestigahan ay ang electric scooter na maaa­ring na-overcharge.

Ang mga labi ng apat na biktima ay inilagak  na sa punerarya.

Ayon sa barangay captain na ang townhouse ay mayroon lang isang pasukan at labasan.

FIRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with