^

Police Metro

3 sasakyan nagkarambola, 4 sugatan

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat ang sugatan sa naganap na karambola ng AUV, sedan, at motorsiklo sa Shaw Boulevard sa Mandaluyong City, Biyernes ng gabi.

Pawang isinugod sa pagamutan ang mga biktima na kinabibilangan ng driver ng AUV at sedan, habang motorcycle rider na nagtamo ng pinsala sa pelvic area at abrasion sa balikat at kanang tuhod at ang angkas naman na may pinakamatinding pinsala sa ulo matapos pumailalim sa kotse. Wasak naman ang unahang bahagi ng puting sedan nang bumangga sa poste ng kuryente at unahan ng brown na AUV.

Dakong alas-11:30 ng gabi nang maganap ang banggaan sa Shaw Blvd., kung saan nagkalat ang mga basag na salamin ng mga sasakyan. Dakong alas-2:00 ng madaling araw nang i-tow ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) ang mga sasak­yang sangkot sa karambola. Kabilang sa rumesponde ang rescue ambulance ng Barangay Wack-Wack Greenhills East at iba pang ambulansya.

Hindi pa matukoy ang eksaktong sanhi ng aksidente, ngunit isa sa mga tinitingnang anggulo ay posibleng mabilis ang takbo o nakatulog ang isa sa mga driver.

 

ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with