^

Police Metro

PasaHERO Protect inilunsad ng GInsure, BPI MS Insurance

Pang-masa
PasaHERO Protect inilunsad ng GInsure, BPI MS Insurance
GCash is a mobile wallet service by Globe Telecom.
Interaksyon / File

Para sa ligtas na biyahe

MANILA, Philippines — Nagkasundo ang GInsure at BPI MS Insurance Corporation para ilunsad ang PasaHERO Protect, isang abot-kayang accident insurance para sa mga Pilipinong gumagamit ng pampublikong transportasyon. Saklaw nito ang mga biyahe gamit ang jeepney, bus, tren, taxi at ride-hailing services gaya ng TNVS sa buong bansa. Maaaring makakuha ng hanggang P500,000 na benepisyo ang insured sakaling mamatay o magkaroon ng permanenteng kapansanan dahil sa aksidente habang bumibiyahe. Mayroon ding hanggang P250,000 na coverage para sa iba pang aksidente.

Sa halagang P15 kada buwan, maaaring mag-avail ng PasaHERO Protect sa pamamagitan ng GCash app. Maaari ring bumili ng insurance para sa hanggang limang katao gamit ang isang GCash account.

Ayon kay Wilfrido de Ocampo, Head of GInsure, layunin ng programa na gawing mas abot-kaya at madaling ma-access ang insurance para sa mga commuter at kanilang pamilya.

Sinabi naman ni Noriyuki Kobayashi, President at CEO ng BPI MS Insurance Corporation, na layunin ng PasaHERO Protect na gawing bahagi ng pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino ang i­nsurance at baguhin ang nakasanayang paraan ng paghahatid nito.

Para magkaroon ng proteksiyon, buksan ang GCash app, piliin ang View All >> Grow >> GInsure >> Accident, at i-activate ang PasaHERO Protect. Sa murang premium, kayang-kaya nang isama ang insurance sa buwanang gastusin ng mga Pilipino.

BPI

GCASH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with