Eala may meet and greet sa Makati

MANILA, Philippines — Madalas na nasa ibang bansa si Alex Eala para sa iba’t ibang WTA tournaments na nilalahukan nito kabilang na ang Wimbledon Championships sa London, England.
Kaya naman may pagkakataon na ang mga Pinoy fans na masilayan si Alex Eala sa pagbabalik nito sa bansa.
Ilang meet and greet ang inihahanda para kay Eala na magsisilbi na ring homecoming nito.
Una na rito ang isang event sa Hulyo 15 sa Glorietta Activity Center sa Makati City.
Inaasahang dudumugin ito ng mga fans partikular na ng mga kabataang tennis players na nagnanais sundan ang kaniyang yapak.
Nauna nang sinabi ni Eala na malaking karangalan para sa kaniya na maging inspirasyon ng mga kabataang atleta.
“It’s an honor to be able to pave the way for young girls and it would be the honor of my life to inspire others,” ani Eala.
Isa lamang si Eala sa mga hinahangaang Pinoy athletes sa kasalukuyan.
Maihahanay na ito kina eight-division world champion Manny Pacquiao, Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz, Paris Olympics double gold medalist Carlos Yulo at pole vaulter EJ Obiena.
Ilang araw lamang mananatili sa Pilipinas si Eala bago muling simulan ang kaniyang paghahanda para sa hard court season.
Partikular na pinaghahandaan ni Eala ang huling Grand Slam event ng taon ang US Open na idaraos sa Agosto 30 hanggang Steymbre 13 sa New York.
Bago ang US Open ay sasalang muna si Eala sa torneo.
Una na ang Mubadala DC Open sa Hulyo 27 hanggang Agosto 2 sa Washington D.C.
- Latest




















