^

Police Metro

OVP, muling nakakuha ng ‘unmodified opinion’ sa COA

Angie dela Cruz - Pang-masa
OVP, muling nakakuha ng ‘unmodified opinion’ sa COA
Batay sa 2025 Annual Audit Report na may petsang Mayo 15, 2026, sinabi ng COA na ang mga financial statement ng OVP ay naipresenta nang patas at alinsunod sa umiiral na accounting rules at financial reporting standards.
Vice President Sara Duterte via Facebook

MANILA, Philippines — Sa ikaapat na sunod na taon sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte ay muling nakatanggap ang Office of the Vice President (OVP) ng unmodified opinion mula sa Commission on Audit (COA) para sa Calendar Year 2025.

Batay sa 2025 Annual Audit Report na may petsang Mayo 15, 2026, sinabi ng COA na ang mga financial statement ng OVP ay naipresenta nang patas at alinsunod sa umiiral na accounting rules at financial reporting standards.

“In our opinion, the accompanying financial statements present fairly, in all material respects, the financial position of OVP as at December 31, 2025, and its financial performance, cash flows, changes in net assets/­equity, and comparison of budget and actual amounts for the year then ended,” ayon sa COA.

Ang pinakahuling audit opinion ay matapos maitala ng OVP ang 92.32% budget utilization rate ng pondo nito sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act (GAA).

Sumasalamin umano ito sa maingat na pamamahala ng pondo ng tanggapan sa kabila ng lumawak na operasyon at pagtaas ng pangangailangan sa mga programa nito, ayon sa OVP.

Ang unmodified ­opinion, na kilala rin bilang unqualified opinion, ang pinakamataas na audit opinion na maaaring ibigay ng COA.

Ipinapahiwatig nito na ang mga financial statement ng isang ahensya ay naihanda nang patas at sumusunod sa itinakdang financial reporting framework, kabilang ang International Public Sector Accounting Standards (IPSAS) at International Standards of Supreme Audit Institutions (ISSAIs).

Ayon sa OVP, ang ikaapat na magkakasunod na unmodified ­opinion patunay ng patuloy nitong pagsunod sa mga prinsipyo ng transparency, accoun­tability, good ­governance, at responsableng paggamit ng pondo ng bayan.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with