^

Probinsiya

6-anyos ginahasa, pinatay ng Grade 2!i

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
6-anyos ginahasa, pinatay ng Grade 2!i
Tarlac City as seen on Google Maps.
Google Maps / Philstar.com screenshot

MANILA, Philippines — Natagpuang patay sa isang farm ang isang 6-anyos na batang babae ilang oras matapos na naiulat na nawawala na umano’y ginahasa bago pinaslang ng isang Grade 2 pupil sa Victoria, Tarlac, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ng Victoria Municipal Police Station (MPS), inireport sa kanilang tanggapan na nawawala ang batang babae noong Biyernes.

Base sa pahayag ng mga kamag-anak ng biktima, huli siyang nakita na kasama ng isang menor-de-edad na batang lalaki na isang Grade 2 pupil sa isang eskuwelahan sa bayan ng Victoria.

Agad namang nagsagawa ng search operation ang pulisya at natagpuan ang batang biktima na isa nang bangkay sa isang farm.

Hinihinala namang ang biktima ay ginahasa saka pinaslang nahindi pa malinaw kung sa sakal, pagsubsob sa mukha nito sa lupa o paghampas ng matigas na bagay dahil kailangan­ pang maisailalim sa forensic examination ang bangkay ng batang babae.

Inaresto naman ng pulisya ang totoy na itinurnover na sa kustodya ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) dahil sa pagiging menor-de-edad.

Ikinaalarma naman ng komunidad ang pangyayari dahil sa isang menor-de-edad ang itinuturong salarin at ­maging ang biktima.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Police Regional Office (PRO) 3 Director P/Brig. Gen. Jess Mendez sa naulilang pamilya ng nene at nangakong magiging patas sila sa imbestigasyon sa nasabing sensitibong kaso.

MPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with