^

PSN Showbiz

Maja, may pasilip sa hitsura ng anak

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Maja, may pasilip sa hitsura ng anak
Rambom, Maja Salvador, Maria, at Kyno

Consistent ang mag-asawang Maja Salvador at Rambo Nuñez na ‘wag munang masyadong ipakita ang mukha ng kanilang anak sa social media.

Sa Instagram account ni Maja ay ibinahagi niya ang video ng birthday celebration ng unica hija nila.

Mermaid-themed party ang nasabing celebration at enjoy na enjoy ang bata pati na rin ang kanyang magulang.

May ilang part ng video na kita ang face nito pero hindi naka-focus.

Anyway, nakalagay sa caption na:

“Happy 2nd Birthday anak!

“Mahal na mahal kita. Sulit lahat ng pagod ni Mama sa pagplano ng birthday party mo, kasi makita ka lang na masaya, worth it na lahat.

“Salamat anak… dahil sayo mas lalo kong naintindihan kung gaano kalalim ang kayang ibigay na pagmamahal ng isang ina sa anak… And happy 2 years of motherhood din sakin…” pahayag ng aktres.

Dalangin ng aktres na maging mabuti siyang ina kay Maria at nangakong laging ipaglalaban ang anak.

“Sana maging mabuti akong ina palagi para sayo... Kakayanin at ilalaban ko lagi anak… dahil ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.

“I love you forever, My Anak… My Maria,” touching na mensahe ni Maja sa kanyang pinakamamahal na baby.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with