Isha, nasaktan!

Hindi pa magaling na magaling at medyo inuubo pa ang promising singer-songwriter na si Isha Ponti sa launching ng kanyang studio album na Likas na ginanap last Saturday sa Noctos Music Bar, Quezon City.
Pero nagpaka-trouper siya at hindi ininda ng tinaguriang Asia’s Pop Sweetheart ang masamang pakiramdam. Game pa nga siyang nagpa-sample ng ilang cuts mula sa Likas, which stands for “Longing, Illusion, Kindness, Acceptance and Self-love.”
In all fairness, walang tapon sa 10-track album dahil bagay na bagay sa timbre ng boses niya ang catchy, infectious at may kakaibang hook na mga awiting siya mismo ang nag-compose katulong ang batikang musical director/producer na si Adonis Tabanda.
Isa na rito ang breakout single na Kabanata, na ayon sa dalaga, ay tungkol sa kanyang first love.
Ayon pa sa19-year-old singer-songwriter sa chikahan sa ilang invited press: “actually po kasi, someone came into my life and I thought that he was the one. Kaya naging protective rin ang parents ko kasi ayaw nila akong masaktan at maka-experience ng sobrang heartbreak kasi nga first love. But I learned a lot, alam mo ‘yon? Even if it was a painful memory, I learned a lot and it helped me grow into a better person.”
Sa pamamagitan daw ng Likas, wish ni Isha na makatulong sa mga taong nakaranas ng kaparehong sitwasyon at maka-inspire na rin sa marami pang iba.
Bukod sa Kabanata, ang iba pang cuts sa Likas ay ang Darating, Numero, Hinga, Halika, Warmth, Gulong, Bakas, Mismo at ang isa sa mga paborito ng press na Riversky.
Nang tanungin kung sino sa OPM artists ang gusto niyang maka-collab one day, binanggit ni Isha ang idolong si Sarah Geronimo, pati na sina Maki, Yeng Constantino at marami pang iba.
Samantala, magkakaroon ng special album launch ang Likas na tatawaging Isha Ponti: Likas sa June 20, 7 p.m., sa Viva Cafe.
Asahan ang pagdalo ng ilang special guest artists na makaka-jam ni Isha sa isang gabi ng live performance at heartfelt music tungkol sa love, growth, healing at self-discovery.
Available na ang Kabanata sa Spotify at iba pang major music platforms worldwide.
- Latest





















