^

Punto Mo

Magbabayad ba ang co-maker?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Gusto po ng kaopisina ko na pumirma ako bilang co-maker sa kanyang loan. Ako ba talaga ang magbabayad sa inutang niya kung sakaling hindi siya makabayad? — Marriot

Dear Marriot,

May ilang klase ang pagiging co-maker pero oo, magkakaroon ka ng obligasyong bayaran ang utang. Magkakaiba lamang ang mga ito sa kung ano ang kondisyon bago ka pagbayarin ng utang.

Kapag ang isang co-maker ay isang surety, ginagarantiya niya na magbabayad ang nangutang. Kung ang co-maker naman ay isang guarantor, ang ginagarantiya niya lamang ay ang kakayahang magbayad ng nangutang.

Mahalaga ang pagkakaiba ng dalawa dahil kung ikaw ay isang surety, maari kang habulin ng nagpautang sa sandaling hindi magbayad ang umutang, may kakayahan man siyang magbayad o wala.

Kung ikaw ay naman ay isang guarantor, kailangan munang habulin ng lender ang kaopisina mo at maari ka lamang nilang singilin kung makikitang wala na siyang kakayahang magbayad.

Kailangan ding tingnan kung may mga kataga bang “solidarily liable” o “jointly and severally liable” sa iyong pipirmahang dokumento bilang co-maker. Kung mayroon, maari kang habulin para sa buong halaga na hiniram. Kung wala naman, maaring bahagi lamang ang ipasagot sa iyo.

Mahalagang pag-isipang mabuti ang pagpirma bilang isang co-maker dahil katulad ng nauna kong sinabi, kahit ano pa mang klase ng pagiging co-maker, laging may posibilidad na ang co-maker ang siyang sasalo sa inutang.

Sa ganyang pagkakataon ay hindi maitatanggi ng co-maker ang inako niyang obligasyon na magbayad sa lender kahit pa sabihin na hindi naman siya nakinabang sa halagang hiniram.

LOAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with