Alyssa Muhlach, may bagong kanta

Ibinahagi ng singer-actress at dating beauty queen na si Alyssa Muhlach ang kilig at pag-aalinlangan sa pag-ibig sa kanyang bagong single na Maaari Ba.
Isinulat ni Alyssa at iprinodyus ni Jovel Rivera and indie-pop song na may relatable na mensahe tungkol sa pagkakaroon ng crush na puno ng mixed signals at ang pagiging handa na buksan ang puso para sa pag-ibig.
Unang sumabak sa music scene ang Tarsier Records artist noong 2024 sa pamamagitan ng debut single na Paalam, isang R&B song tungkol sa pagiging independent at pagkakaroon ng kontrol sa sariling buhay.
Bukod sa musika, nakilala rin si Alyssa bilang Reina Hispanoamericana Filipinas noong 2018. Pinasok din niya ang pag-arte at napanood sa mga seryeng It’s Okay to Not Be Okay, 2 Good 2 Be True at Will You Fake Marry Me at mga pelikulang My Love Will Make You Disappear at Clarita.
- Latest




















