Eala may dala-dala sa bawat laban

MANILA, Philippines — Malayu-layo na ang narating ni Alex Eala sa mundo ng professional tennis.
Ngunit may isang armas ito na hindi nito binibitawan sa tuwing lumalaban ito — ang disiplina sa sarili.
Alam ni Eala na nagsisimula pa lamang ito sa kaniyang tennis career kaya’t malaki ang papel ng salitang disiplina upang maabot ang inaasam nitong tagumpay.
“Gym is a non-negotiable. Proper sleep is a non-negotiable. It’s a continuous process. It’s only getting started,” ani Eala.
Sa kabila ng kaliwa’t kanang aktibidad, kailangan ni Eala na ingatan ang kaniyang sarili upang manatili itong nasa magandang kundisyon para sa kaniyang laban.
“I put effort into nurturing because a lot of the times, especially when I’m traveling so much for my job. Sometimes your career can become your whole life. And the work-life balance becomes off-balance,” kuwento pa ni Eala.
Ilan pa sa madalas na nakikita kay Eala ang social life nito kasama ang ilang WTA players.
Kabilang na rito sina Zeynep Sonmez ng Turkey, Eva Lys ng Germany at Iva Jovic ng Amerika na ilan sa close friends nito.
Minsan ay nakakalaban din ni Eala ang mga kaibigan nito sa WTA Tour.
- Latest






















