^

PSN Palaro

Dyip ibinaon ng Fuel Masters

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Dyip ibinaon ng Fuel Masters
Sumalaksak si Phoenix guard Ricci Rivero laban kay Terrafirma forward Vic Manuel.
PBA Image

MANILA, Philippines — Sinimulan ng Phoenix ang taong 2025 sa isang panalo.

Humakot si import Do­novan Smith ng 37 points, 7 rebounds at 5 blocks sa 122-108 paggupo ng Phoenix sa Terrafirma sa Season 49 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Nag-ambag si Jason Perkins ng 16 markers para sa 2-5 record ng Fuel Masters habang may 14 at tig-10 points sina Ricci Rivero at Kai Ballungay, ayon sa pagkakasunod.

Pinamunuan ni import Brandon Walton-Edwards ang Dyip, bagsak sa 0-8 marka, sa kanyang 25 points kasunod ang 22 markers ni Louie Sangalang.

“We really needed to get it together, especially defensively,” ani Phoenix coach Jamike Jarin. “We were very disappointed in the first quarter and in the third quarter because we gave up a lot of points.”

Ang tinutukoy ni Jarin ay ang pagbangon ng Terrafirma mula sa isang double-digit deficit sa third period para makalapit sa 84-88 sa pagsasara nito.

Pinamunuan naman nina Smith at Perkins ang muling paglayo ng Fuel Masters sa 108-96 sa pagsisimula ng fourth quarter patungo sa 116-102 pagbaon sa Dyip sa huling 1:58 minuto.

Samantala, hangad ng NorthPort (6-1) na patuloy na solohin ang liderato sa pagsagupa sa Barangay Ginebra (5-2) ngayong alas-7:30 ng gabi sa Pasig City venue.

Sa unang laro sa alas-5 ng hapon ay magtutuos ang Rain or Shine Elasto Painters (4-1) at Blackwater Bossing (1-5).

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with