^

Probinsiya

63-anyos Kano dedo sa gulo sa bar!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
63-anyos Kano dedo sa gulo sa bar!
Kinilala ang biktima sa pangalan lamang nitong William, pansamantalang nanunuluyan sa isang resort sa Brgy. Tawala sa Panglao, isang dinarayong lugar sa lalawigan.
File

MANILA, Philippines — Patay ang isang 63-anyos na turistang Amerikano matapos pukpukin ng silya sa ulo sa pagsiklab ng kaguluhan sa isang bar sa Panglao, Bohol, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang biktima sa pangalan lamang nitong William, pansamantalang nanunuluyan sa isang resort sa Brgy. Tawala sa Panglao, isang dinarayong lugar sa lalawigan.

Sa ulat ng Bohol Tourist Police, nangyaqri ang insidente sa Escape Bar sa kahabaan ng Alona Beach sa Panglao dakong alas-11:45 ng gabi noong Sabado.

Lumalabas sa imbestigasyon na nasa impluwensya ng alak ang nasabing Amerikano nang makabanggaan nito ang grupo ng 41-anyos na suspect.

Nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng biktima at ng suspect na nauwi sa kanilang suntukan hanggang sa bumagsak ang lasing na Amerikano.

Sa puntong ito, binuhat ng suspect ang isang upuan at inihampas sa katawan ng lasing na dayuhan na duguang humandusay sa lugar.

Mabilis na isinugod ng mga nagrespondeng operatiba ng Governor Celestino Gallares Memorial Medical Center sa Tagbilaran City ang Amerikano pero idineklarang patay ng alas-12:20 ng madaling araw nitong Linggo.

Nasakote naman ng mga pulis ang suspect na nahaharap sa kasong homicide.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with