Ellen, delulu sa Chinese actor!

Delulu (delusional) na si Ellen Adarna sa Chinese actor na si Jing Boran na bida sa phenomenal Chinese series na The Early Spring.
At may video pa siyang gumagawa ng osmanthus milk na favorite gawin ng character ni Jing Boran as Luan Nian kay Sun Qian as Shang Zhitao.
Pati sa nail polish, inspired na sa osmanthus milk ang design.
Ayon sa mga dialogue sa nasabing palabas, ang osmanthus milk ay isang nakagiginhawa at bahagyang matamis na inuming may lasang bulaklak, na sumikat nga nang husto dahil sa Chinese drama na nabanggit.
Habang umiinom si Ellen, aniya sa post “Delulu is our drug,” na kasama ang kanyang BFF na si Mimi Qui na naka-hashtag na osmanthus milk.
Actually, hindi lang naman si Ellen ang naloka sa nasabing gatas na may lasang bulaklak.
Hindi ‘yun ang unang pagkakataon na nag-post si Ellen ng nasabing pagka-obssesed sa Chinese series na The Early Spring.
- Latest






















