JM, tatapusin na ang laban!

Mas mabigat ang laban, mas mahirap ang mga desisyon at mas matindi ang pagsubok sa huling dalawang linggo ng My Bespren Emman (MBE) at A Secret in Prague sa TV5.
Matapos ang mga kuwentong puno ng tungkol sa pamilya, sakripisyo, pagkakaibigan, pag-ibig at tadhana, papunta na sa kanilang meaningful endings ang dalawang serye – My Bespren Emman weekdays at 2:30 p.m. at A Secret in Prague weekdays at 9:30 p.m.
Sa MBE, haharap si Mateo (JM de Guzman) sa kanyang huling laban – ang pinakamalaki at pinakapersonal niyang misyon na magdidikta hindi lamang sa kanyang kinabukasan, kundi pati sa kapalaran ng kanyang buong pamilya.
Kasama niya rito ang asawang si Ruth (Shaina Magdayao), na masusubok din ang pagmamahal at paninindigan para kay Mateo habang inilalagay ng huling misyon nito sa peligro ang lahat ng kanilang ipinaglaban.
Habang nahahati si Mateo sa pagprotekta sa kanyang pamilya at pagharap sa mga taong naging dahilan ng kanilang paghihirap, kailangan ding harapin ni Ruth ang posibilidad na may napakalaking kapalit ang kagustuhan ng kanyang asawa na tapusin ang laban.
Ngayong nakataya na ang lahat, ano ang pipiliin ni Mateo: paghihiganti o ang sundin ang kagustuhan ni Emman? At matutulungan ba siya ni Ruth na piliin ang kinabukasang maaari pa nilang pagsaluhan kaysa sa sakit ng nakaraan?
Samantala, mula Prague, tutungo naman sa Italy ang huling bahagi ng kuwento ng A Secret in Prague.
Matapos ang mga sikreto, sakripisyo at mahihirap na desisyong pinagdaanan nila, haharap na sina Chiara (Andrea Brillantes) at Mikoy (Enrique Gil) sa pinakamahalagang tanong tungkol sa kanilang pagmamahalan: kapag kailangan na nilang piliin ang sarili nilang mga tadhana, may lugar pa rin ba sila sa buhay ng isa’t isa?
At sa huling yugto ng kanilang journey, magiging bahagi rin sina Mama Yaya (Lorna Tolentino) at Rahmboy (Dylan Menor). Sila ba ang tutulong kina Chiara at Mikoy para mahanap ang lasting happiness na matagal nilang ipinaglaban — o sila rin ang magiging dahilan para hindi ito mangyari?
At higit sa lahat: Mabubunyag na nga ba sa wakas ang Secret in Prague? At kapag lumabas na ang buong katotohanan, sino ang handang harapin ang consequences nito?
Tutukan ang huling ng My Bespren Emman, weekdays at 2:30 p.m., at ang huling biyahe at pagbubunyag ng A Secret in Prague, weekdays at 9:30 p.m., only on TV5.
- Latest




















