Rally sa karapatan perwisyo sa publiko

MANILA, Philippines — Binatikos ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang malakihang rally sa Edsa People Power Monument na nagdulot ng matinding abala sa Metro Manila. Aniya, walang permit at hindi napaghandaan ng awtoridad ang pagtitipon kaya naparalisa ang trapiko at naapektuhan ang mga empleyado, estudyante, pasyente, rider, at maliliit na negosyante.
Giit ni Goitia, ang karapatan sa Konstitusyon ay dapat gamitin nang may pananagutan. “Ang due process ay hindi pribilehiyo, ito ay karapatan ng bawat Pilipino. Nawawalan ng kredibilidad ang hustisya kapag nagiging mapili ang pagpapatupad nito,” aniya.
Binigyang-diin ni Dr. Goitia na ang pagtatanggol sa due process ay hindi pagtatanggol sa maling gawain. Ang mga akusasyon ay dapat lutasin ng hukuman batay sa ebidensya, hindi ng social media, pampulitikang impluwensya, o opinyon ng publiko.
Dagdag pa niya, ang permit ay hindi red tape kundi mekanismo para sa maayos na koordinasyon, seguridad, at pamamahala ng trapiko.
- Latest



















