Madla ang magsasabatas kontra political dynasties

Huwad ang Anti-Political Dynasty Bill nina Speaker Bodjie Dy at Rep. Sandro Marcos. Taliwas sa bersyon ng Senado. Kung patigasan ng bawat sangay ang kanilang bersyon, walang maipapasang batas.
Taumbayan na dapat ang umakda ng batas sa pamamagitan ng People’s Initiative. Kailangan ang pirma ng 3% ng botante sa bawat distrito, at 12% ng botante sa buong bansa. Beberipikahin ng Comelec kung naabot ang numero. Tapos, magdaraos ng referendum. Kung manaig ang “oo”, pasado na ang batas.
Simple lang ang lalamanin ng anti-dynasty P.I.:
- Isang pambansa at isang lokal na posisyon lang ang maaring makamit ng magkamag-anak. Pambansa ang president, VP, senador, at kongresista ng distrito o partylist. Lokal ang governor, vice governor, provincial board member, mayor, vice mayor, at konsehal.
- Hanggang 4th-degree ng dugo at kasal ang kamag-anak: mag-asawa, mag-ama o mag-ina, magkapatid, lolo’t lola, apo, tiyo’t tiya, pamangkin, at pinsang-buo. Pati mga asawa nila ay sakop. Pati mga kapamilya “sa labas” ay sakop din. Isama na ang mga ka-live-in.
- P.I. ang pinakamataas at pinakamakapangyarihang paraan ng pagsasabatas. Direktang kilos ito ng mga botante. Dakila, ani Akbayan party Rep. Chel Diokno.
Taumbayan ang nag-aproba ng 1987 Constitution. Inatas sa Kongreso ang pagsabatas kontra dynasties para ganap na demokratiko ang gobyerno. √ 38 taon mula nu’n ay ≈ Kaya dapat iisang-tabi ang walang-silbing Kongreso.
Ipakitang walang silbi ang Kongreso na 80% kontrolado ng dynasties.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM)
- Latest















