Vibe sa Wimbledon, mas bongga ang ingay dahil kay Alex

Binati ni Senator Panfilo “Ping” Lacson si Alex Eala matapos makuha ng Filipina tennis player ang kanyang unang panalo sa main draw ng Wimbledon Championships.
Tinalo ni Alex si Renata Zarazua ng Mexico, 6-1, 6-2, sa unang round ng grass-court Grand Slam tournament noong madaling-araw ng Miyerkules, oras sa Maynila.
Tuwang-tuwa ang Senador sa tagumpay ni Alex at wish niya ang tagumpay nito sa susunod na round.
Si Alex ang kauna-unahang Filipina player din na na-seeded sa Grand Slam main draw at makakalaban niya ang kanyang tormentor na si Maya Joint ng Australia.
Post ng Senador: “Watching Alex Eala’s easy win in her first round of the prestigious Wimbledon Championships is a welcome departure from the unpleasant atmosphere in EDSA. Congratulations and good luck!”
By the way, iba na ngayon ang vibe sa Wimbledon dahil kay Alex.
As in marami na ang nagsisigawan. Unlike noon na parang ang demure ng mga nanonood at nahihiyang sumigaw.
Pero dahil dagsa ang mga Pinoy, pila-pila, bongga na ang vibe. Daming tilian at palakpakan.
- Latest


























