^

Probinsiya

Killer ng babaeng isinilid sa ice cooler, arestado!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Killer ng babaeng isinilid sa ice cooler, arestado!
Wala pang 24 oras matapos ang insidente ng pagpatay sa isang babae na isinilid pa sa ice cooler, agad ding naaresto ang suspek nito sa ikinasang operasyon ng pulisya at sa tulong na rin ng misis ng suspek.
Philstar.com / File photo

CAVITE, Philippines —Naaresto na ng Trece Martires City Police ang isang mister na suspek sa pagpatay sa isang babae na isinilid sa ice box cooler sa Cavite sa isinagawang follow-up operation sa pinagtataguan nito sa Pasay City, kahapon.

Wala pang 24 oras matapos ang insidente ng pagpatay sa isang babae na isinilid pa sa ice cooler, agad ding naaresto ang suspek nito sa ikinasang operasyon ng pulisya at sa tulong na rin ng misis ng suspek.

Sa isang lugar sa Pasay City natiyempuhan ng mga pulis ang suspek na si alyas “Wilson”, nasa hustong gulang, residente ng Golden Horizon Villas, Brgy Hugo Perez, Trece Martires City, Cavite.

Matatandaan na pinatay ng suspek ang biktimang si Mari Joy Singayan, 26-anyos, residente ng nasabing Subdivision sa pamamagitan ng pagsakal gamit ang lubid bago isinilid ang bangkay ng biktima sa malaking ice cooler saka mabilis na tumakas ang una.

Ayon sa pulisya, nagtungo ang biktima sa bahay ng suspek upang singilin ng pagkakautang nito na P50,000. Gayunman, wala pang maibayad ang suspek, na nagbunsod ng palitan ng salita ang dalawa hanggang sa mapikon ang suspek at hinila nito ang biktima at sinakal ng lubid.

Sa pahayag ng misis ng suspek, alas-4:45 ng hapon nang tumawag sa kanya ang kaniyang mister at inamin nito ang ginawang krimen at sinabi nito kung saan niya inilagay ang bangkay ni Singayan.

Dito na nag-report sa kanilang barangay ang misis na itinawag sa pulisya at narekober nga sa loob ng ice cooler ang katawan ng biktima.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with