^

PSN Showbiz

Rave at Lance, totohanan ang relasyon!

Pilipino Star Ngayon
Rave at Lance, totohanan ang relasyon!
Halong tunggalian at pagpapakilig ang hatid ng tambalan nina Pinoy Big Brother Collab 2.0 housemate Rave Victoria at bagong heartthrob na si Lance Jeremy sa kauna-unahang BL (boys’ love) vertical serye ng iWant na Coach Me Maybe, na mapapanood simula Nobyembre 20 (Biyernes).
STAR/ File

Halong tunggalian at pagpapakilig ang hatid ng tambalan nina Pinoy Big Brother Collab 2.0 housemate Rave Victoria at bagong heartthrob na si Lance Jeremy sa kauna-unahang BL (boys’ love) vertical serye ng iWant na Coach Me Maybe, na mapapanood simula Nobyembre 20 (Biyernes).

Iikot ang vertical serye sa tema ng queer love na magsisimula sa tunggalian ng judo champion na si Alpha (Lance) at academic achiever na si Romeo (Rave). Naisipan naman ni Alpha na kuntsabahin ang katunggaling si Romeo para pagselosin ang kanyang ex. Kapalit nito, may tutor na si Alpha, may judo coach pa si Romeo!

Habang sila ay nagpapanggap, tila mauuwi sa totohanan ang relasyon nilang dalawa. Pero, masusubok ang kanilang nararamdaman nang sila ay magtatapat sa national qualifier ng isang judo tournament. Mananaig kaya ang pag-ibig o paiiralin nila ang kanilang pride?

Kasama rin nina Rave at Lance sina Christian Vazquez, Valerie Concepcion, Kanata Tapia, Rhianna Santiago, Iñigo Jose, Josh Worsley, Ian Lubrica at Jury Fajardo.

Ito ay sa direksyon ni Theodore Boborol, na direktor din ng hit reality-queer dating series na Sparks Camp na ngayo’y palabas ang ikaapat nitong season sa iWant.

Abangan ang lahat ng episodes ng BL vertical serye na Coach Me Maybe simula Nobyembre 20 sa iWant. Libreng ipalalabas ang unang limang episode nito sa TikTok, Facebook at YouTube pages ng iWant at ABS-CBN Entertainment.

Mapapanood ang lahat ng episodes nito sa pamamagitan ng iWant subscription plans sa halagang P35 kada buwan sa Pilipinas, USD 12.99 kada buwan sa United States, at USD 4.99 sa iba pang bahagi ng mundo.

PBB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with