10 pelikula, ipinalabas sa mga sinehan
MANILA, Philippines — Inilabas ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga rating para sa mga pelikulang tampok sa mga teatro ngayong linggo.
Paalaala ni MTRCB Chair at CEO Lala Sotto sa mga magulang at guardian, tingnan muna ang ratings ng mga sine bago sila bumili ng tiket para sa kanilang mga anak.
Ang Henry’s First Dates ay isang Thai comedy na pinagbibidahan ni Nicha Yontararak at eksklusibong mapapanood sa SM Cinemas.
Ang 2016 musical rom-com drama na La La Land ay nakatanggap ng PG rating at ipapalabas muli para sa 10th anniversary nito. Tampok dito sina Ryan Gosling at Emma Stone at eksklusibong mapapanood sa Ayala Malls Cinemas.
Ang Japanese romance anime na You, Fireworks, and Our Promise ay rated PG. Tampok dito ang mga boses nina Shori Sato, Nanoka Hara, Rie Takahashi at Natsuko Yokosawa. Mapapanood ito sa SM Cinemas.
Ang gawang Pinoy na The Fisher, kung saan bida sina Mon Confiado, Enchong Dee, Mercedes Cabral at Heaven Peralejo, ay may R-13 rating dahil sa “mature themes of morality, responsibility, and the impact of one’s actions on a community and the environment.”
Ang Multwoh (Patay na Patay Sa’yo) ay rated PG dahil sa nakakatawa at nakakatakot na element nito at mature na tema. Eksklusibo itong mapapanood sa Ayala Malls Cinemas.
Ang The Cycle, isang thriller na pinagbibidahan nina Jeffrey Donovan, Deborah Ann Woll at Gretchen Corbett, ay nakakuha ng R-13 rating.
Ang Backrooms: Everything Must Go ay extended version ng Backrooms, isang psychological horror at eksklusibong mapapanood sa Megaworld Cinemas. Ito ay rated R-13 at tampok sina Chiwetel Ejiofor, Renate Reinsve, Mark Duplass, Finn Bennett at Lukita Maxwell.
Ang Hellhound, isang 2024 action thriller na tampok sina Louis Mandylor, Panya Yimmumphai at Vithaya Pansringarm ay rated R-16 at mapapanood lamang sa Megaworld Cinemas.
Ang Chinese film na Once Upon A Time In the Middle East ay rated R-16 at eksklusibong mapapanood sa SM Cinemas.
- Latest



















