Mga machong... pinatawag na ng NBI!

Inilabas na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang subpoena laban sa hosts ng podcast na Machong Chismisan kaugnay ng kontrobersyal nilang mga pahayag tungkol kay Joshua Aquino, anak nina Queen of All Media Kris Aquino at aktor na si Phillip Salvador.
Pinadalhan ng subpoena sina Mark Dominic Zuñiga Dizon at Philipp Joshua Dizon De Leon upang magpaliwanag kaugnay ng kanilang mga naging komento tungkol kay Joshua, isang child with special needs, sa isang episode ng kanilang podcast noong Oct. 5, 2026.
Batay sa dokumentong ipinakita sa DZMM Teleradyo, pinasasagot ang dalawa sa NBI Cybercrime Division sa Oct. 20, 2026. Ang imbestigasyon ay may kaugnayan sa posibleng paglabag sa Republic Act No. 9442 in relation to Republic Act No. 10175, o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.
Kinumpirma rin ni NBI Director Melvin Matibag na natanggap na ng dalawang podcast hosts ang subpoena.
Samantala, muling naglabas ng public apology sa Facebook ang hosts ng podcast nitong Huwebes at pormal na humingi ng tawad kina Kris Aquino, Joshua, at sa buong pamilya Aquino.
“To Ms. Kris Aquino, Josh, and the entire Aquino family whom we have hurt and aggrieved, we offer our sincerest apologies,” simula ng kanilang statement.
Inamin din ng grupo na hindi katanggap-tanggap ang kanilang naging asal at mga pahayag sa nasabing episode. Ayon sa kanila, they take full responsibility for their actions and acknowledge the hurt they have caused.
“We take full accountability for our actions and behavior during the episode. We acknowledge that our conduct was inexcusable, deeply insensitive, and hurtful,” saad nila.
Hindi lamang sa pamilya Aquino humingi ng paumanhin ang podcast hosts. Nagpahayag din sila ng apology sa mga pamilya ng children with special needs, sa Persons with Disabilities (PWDs), at sa publiko na nasaktan at nadismaya sa kanilang mga naging komento.
“We recognize that our actions were not only hurtful to the Aquino family but also deeply disrespectful to the dignity and experiences of many others,” dagdag pa ng grupo.
Bilang bahagi ng kanilang pag-ako sa responsibilidad, sinabi ng hosts na proactively nilang tinanggal ang lahat ng content na may kaugnayan sa kontrobersyal na episode. Gayunman, kinilala rin nilang hindi sapat ang pag-delete ng content upang maibalik ang nasaktang damdamin ng mga taong naapektuhan.
“We understand that removing the content does not undo the harm we have caused,” ayon sa kanilang pahayag.
Bukod dito, nagpahayag ang grupo ng willingness na makipagtulungan sa organizations at advocates na nagtataguyod ng rights, dignity at welfare ng children with special needs at PWDs.
- Latest





















